API Platform
Ama
ai-watermarkAma

Ama

Traditional R&B,Heartbroken,Sad,Male Vocal,Guitar,Bass,Drums,Piano,Violin,Saxophone

2026-06-21 18:34:32

V1.0

Ikaw ang dahilan ng lahat

Bakit sa mundo ako namulat

Ng mga bagay na dapat matutunan

Para magamit bukas at ng pangsakalukuyan

Mula sa pawis at pagod mong dala

Bawat pangarap ko'y iyong isinugal pa

Kahit madalas walang laman ang bulsa

Ngiti mo'y buo para di ako mangamba

Ikaw ang unang bayani sa tahanan

Tahimik na lumalaban sa kahirapan

Di naghahanap ng medalya o parangal

Basta pamilya mo'y ligtas, sapat nang dangal

**Koro**

Ama, Papa, Itay

Kahit saan ka man mapadpad sa buhay

Ang pagmamahal mo'y di kailanman namatay

Kahit malayo, sa puso'y laging nakabaybay

Ama, Papa, Itay

Handang ibigay pati sariling buhay

Kahit sugatan, kahit hirap ang taglay

Para sa anak mo, lahat ay iaalay

**Verse 2**

May mga amang malayo sa pamilya

Naghahanapbuhay sa ibang bansa

Bawat gabi larawan lang ang kasama

Habang luha'y tinatago sa likod ng tawa

May mga amang wala sa piling ng anak

Hindi dahil kusang lumayo at tumakas

Minsan relasyon ang siyang bumiyak

Pero pagmamahal nila'y di kailanman kumupas

May mga pagkakataong di naunawaan

Kwento ng ama'y di man lang napakinggan

Nahusgahan agad ng karamihan

Habang tahimik na pasan ang dahilan

Kahit pinaglayo ng tadhana't panahon

Bawat tagumpay mo'y kanilang baon

Sa bawat hakbang mo sila'y naroon

Kahit di mo man sila laging nakikita ngayon

**Koro**

Ama, Papa, Itay

Kahit saan ka man mapadpad sa buhay

Ang pagmamahal mo'y di kailanman namatay

Kahit malayo, sa puso'y laging nakabaybay

Ama, Papa, Itay

Handang ibigay pati sariling buhay

Kahit sugatan, kahit hirap ang taglay

Para sa anak mo, lahat ay iaalay

**Outro**

Madalas ang ama'y nalilimutan

Laging nasa likod, bihirang mabigyan ng puwang

Kahit Father's Day, tila di napapansin

Parang ordinaryong araw lang kung tingnan natin

Pero para sa isang ama, ayos lang iyon

Di siya nabubuhay para sa papuri ng panahon

Ang mahalaga'y may pagkain sa hapag-kainan

May bubong, may seguridad ang kanyang tahanan

Kaya saludo sa bawat Ama, Papa, Itay

Tahimik na mandirigma sa bawat araw ng buhay

Walang hinihinging kapalit o pagkilala man lang

Basta ang pamilya'y maayos, sapat na ang lahat ng iyan.

Comments

0/500

Love it!

Nice voice

So moving